7,803

Babala ni Comm. Lapeña sa mga taga-BoC

  • Written by Vic Reyes
  • Published in Opinion
  • Read: 251

KUNG merong mga lingkod-bayan na laging balisa ngayon, ito’y ang mga opisyal at kawani ng Bureau of
Customs (BoC). 

Nakabantay kasi sa kanila si BoC  Chief Isidro S. Lapeña. Ayaw ni Lapena na pa-easy-easy ang
kanyang mga tauhan.
    
Ang gusto niya’y laging “on the go” ang mga taga-Aduana. Bilang pangalawang pinakamalaking
source ng government revenue, hindi puwedeng magpabaya  ang mga taga-BoC.
    
Maliwanag ang sinabi ni Lapeña, isang dating heneral ng Philippine National Police. “If you
cannot follow, then step aside. If you cannot step aside, then, I will have to take you out,” babala
ni Lapeña.
    
Isa lang ang ibig sabihin nito. Ang lahat ay kailangang sumunod sa kumpas niya.
    
Kung hindi makasunod ay tumabi-tabi muna ang mga empleyado at kung hindi ay masasagasaan siya
ng rumaragasang pagbabago sa Aduana.
    
Kaya nga lagi niyang binabalasa ang kanyang mga tauhan.
    
Binigyan na nga ng Malakanyang  ng go-signal si Lapeña na alisin ang mga opisyal na bigong
mag-perform  nang mabuti.
    
Para kay Lapeña, ang mahalaga ay makapag-deliver ang mga empleyado at opisyal.
    
“He reshuffles his men and women without fear or favor,” sabi ng isang waterfront insider.

Ito ang dahilan kung bakit tahimik ang mga taga-BoC habang sila’y binabalasa.
    
Alam nila na isang epektibong paraan ang rigodon para lalong maging productive ang mga taga-
gobyerno.
    
Kitang-kita naman ito sa lumalaking koleksyon na epektibo ang mga ginagawa ni Lapeña sa BoC.
    
Ito ang maganda kung alam ng namumuno na suportado siya ng Malakanyang.
    
Kung hindi ay baka ang namumuno naman ang mawala sa puwesto.
    
Alam ng mga namumuno na “they serve at the pleasure of Malakanyang.”
    
At alam nila na para kay Pangulong Duterte, walang kapit-tuko sa puwesto.

* * *
    
Ngayon pa lang ay may mga report na sobrang magtaas ng presyo ang ilang negosyante.
    
Ito ang dapat bantayang maige ng mga otoridad dahil sa hirap ng buhay.
    
Lahat ay apektado ng implementasyon ng TRAIN Act.
    
Ang mga erring trader ay dapat makulong para hindi na sila pamarisan.
    
Dapat i-monitor ang presyo ng mga bilihin, lalo na ang basic necessities.
    
Hindi mawawala ang mga magsasamantala kahit alam nilang hirap na ang mga mahihirap.
    
Kagaya ng mga tiwaling negosyante, dapat ibitin nang patiwarik ang mga lingkod-bayan na
makikipagkutsaba sa mga negosyante.
    
Kung puwede lang ay i-tokhang ng mga pulis ang mga mapagsamantalang trader.
    
Katulad ng isang adik, hindi lang sarili niya ang sinisira. Maging ang pamilya at komunidad
ay apektado.
    
Ganyan din ang mapagsamantalang negosyante, maraming  tao ang pinahihirapan.
    
Kaya makatwiran lamang na dapat rin silang  i-tokhang.
    
Tama ba kami, PNP Chief Director-General Ronald “Bato” dela Rosa?
    
(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-
4765430/email:This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)