6,810

Anong magagawa natin sa pagkasira ng MM sa 2025?

  • Written by Atty. Jay De Castro
  • Published in Opinion
  • Read: 459

KAMAKAILAN ay sinabi ni Pangulong Duterte na sa taong 2025 ay mawawala at masisira na ang Metro Manila
o sa loob ng walong taon. 

Ito’y nakalulungkot sapagkat tayo pa naman ang host ng FIBA World Cup sa 2023. Ang basketball
ay parang relihiyon sa ating bansa.
    
Paano ang ating pag-host sa pinakamalaking torneo ng basketball sa buong mundo kung ang Metro
Manila ay masisira sa 2025 o dalawang taon bago ang torneo? Makansela kaya ang ating pag-host dahil sa
masamang kalagayan ng Metro Manila?
    
Ang sinabi ng Pangulo ay may batayan at maaaring mangyari.
    
Nakikita natin ang napakasamang kalagayan ng Metro Manila.
    
1) Nakamamatay ang trapik at ang polusyong dulot nito.
    
2) Halos lahat ng lansangan ay may nakaharang na sasakyan at mga gamit.
    
3) Ang ating mga ilog  ay barado at napakarumi.
    
4) Ang mga estero ay hindi dinadaluyan ng tubig, sanhi ng mabilis na pagbaha sa Metro Manila.
    
5) Siksikan ang tao sa squatter areas, at marami pang ibang mga malubhang problema na makikita
sa ating kani-kaniyang barangay.
    
Ang pagsasaayos ng Metro Manila ay magsisimula sa bawat isa sa atin bilang mga mamamayan na
bumubuo nito.
    
Una, sa ating sarili, bilang mga mamamayan na bumubuo ng ating lipunan. Pangalawa, sa ating
pamilya.
    
Ang pamilya ay pinamumunuan ng ama at ina bilang mga magulang ng kanilang mga anak.
    
Makatutulong ang ama at ina, sa pamamagitan ng kanilang sariling gawa sa pangangalaga ng Metro
Manila, kung sila mismo ay gagawa ng mga hakbang na makabubuti sa ating kapaligiran at kalikasan.
    
Halimbawa, sila mismo, ang ama at ina ay dapat magtanim ng puno sa kanilang bakuran o kung
saan man may maaaring pagtamnan ng puno sa kanilang tinitirhan.
    
Kapag ginawa nila ito, ay dapat rin nilang turuan at anyayahan na magtanim ng mga puno ang

kanilang mga anak sa paligid ng kanilang tahanan o saan man na maaaring pagtaniman sa kanilang
tinitirhan o barangay.
    
Kung ginawa o gagawin nila ito, ang ama o ang ina ay makapagtatanim ng mga puno at kasama ang
kanilang mga anak ay isang pamilya na silang magtatanim ng mga puno at halaman sa bawat barangay na
tiyak na makatutulong sa pagsasaayos ng ating kapaligiran at lipunan.   
    
Ang bawat barangay sa Metro Manila ay binubuo ng mga pamilya at kung ang lahat ng pamilya sa
bawat barangay rito ay magtatanim ng mga puno sa kani-kanilang barangay, tiyak na mapipigilan ang
pagsira ng Metro Manila sa 2015.  
    
At kung ganito ang gagawin ng bawat pamilya sa lahat ng barangay sa Pilipinas ay mapipigilan
rin natin ang pagsira ng kalikasan at kapaligiran sa buong bansa.
    
Dati ko nang sinabi ang kahalagahan ng pagtatanim ng puno.  
    
Sa aking aklat na Magkaisa Para sa Bayan ay may sinulat akong katanungan:
    
“Nakapagtanim ka na ba ng puno?  Ang taong hindi nakapagtanim ng puno ay walang lilim na iiwan
sa kabataan at bayan.”
    
(Sa susunod, ano’ng dapat gawin ng mga barangay sa Metro Manila para makatulong sa hindi nito
pagkasira sa 2025).  
    
ATTY. JAY C. DE CASTROFounder, Magkaisa Para sa Bayan, Inc. (MPB) Email:
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. Website: magkaisaparasabayan.com Facebook: fb.com/magkaisaparasabayan
Contact No.: 0915-7799-777.
    
Please visit our website magkaisaparasabayan.com and like our Facebook page Magkaisa Para sa
Bayan, Inc. and ask your family and friends to do the same.