7,349 guests

Ang bright-bright naman talaga ng MMDA!?@!

  • Written by Itchie G. Cabayan
  • Published in Opinion
  • Read: 302

Direct Hit

Kawawa naman ang mga Pilipino dahil mukhang ‘bankrupt’ na ang utak ng ilang taong nakaupo ngayon sa puwesto.

Nakakabuwisit, nakakatawa at nakaka-iling naman talaga ang mga ideya at gimik na naiisip ng mga taga-Metro Manila Development Authority (MMDA) para solusyunan kuno ang ’di malutas-lutas na problema sa trapiko, lalo na sa EDSA. Car pooling? Ilang araw na coding? One-way? Talaga lang? Madali sabihin ’yan kung ikaw ay taga-gobyerno na kagaya nila na ‘exempted’ sa lahat ng uri ng pagbabawal na gusto nilang ipatupad.

Madaling gumawa ng regulasyong pahirap sa mga tao kung walang personal na epekto sa ’yo.

Para sa isang ordinar-yong empleyado o middle-class na tao, pag-iipunan mo ang pagbili ng kotse, para lang maging maginhawa ang iyong pagpasok sa trabaho araw-araw. Mas tipid kasi ito sa kalaunan kumpara sa pagco-commute o pagkuha ng taxi, Grab o Uber. Pinagsisikapan din ni Juan dela Cruz ang pagbili ng kotse para ligtas sa nuknukan ng habang pila sa LRT o MRT pati na sa mga mandurukot doon; para ligtas sa holdaper at mandurukot sa dyip o sa bus o ’di kaya ay sa mga snatcher habang naghihintay ng masasakyan sa kalsada.

Puwera pa diyan ’yung pakikipagsiksikan mo, kung saan pagdating mo sa trabaho ay nanggigitata ka na o iba na ang amoy  mo.

’Di nararanasan ng mga opisyal ng gobyerno o sinumang miyembro ng pamilya nila ang alinman diyan. Kahit naman pasakop sila sa regulasyon, siguradong lusot sila sa car pooling dahil bukod sa driver ay may ‘security’ din na naka-assign sa kanilang mga kapamilya. Mayayaman lang din ang makikinabang diyan dahil kumpleto sila sa driver, security at yaya. So, apat kaagad ang laman ng sasakyan.
    
’Di pa ’yan. Bibigyang-daan lang ng ‘car pooling’ ang pagkakaroon ng mga colorum na pang-maramihang service na mala-UV Express sa gagawin nilang ’yan. Coding? Kayo din ba ay naniniwala na isa lang ang kotse ng bawat pamil-ya ng mga taong nakaupo sa gobyerno?     
    
Natatawa pa si MMDA Chairman Gen. Danny Lim nang ikuwento sa harap ng media na may nag-suggest pa na ibase sa ‘brand’ ng kotse ang coding. Ibig sabihin marahil ay bawal ang Honda ’pag Lunes, Toyota pag Martes, etcetera. Kung tutuusin, dapat ay nainsulto siya sa suggestion na ito. Ang mensahe kasi ng nag-suggest nito ay ganito -- tutal din lang puro walang kwenta at nakakatawa ang mga naiisip  ninyong paraan, itodo na natin! Di ba?
    
Sa mahal ng sasakyan ngayon at sakripisyong binuno ng isang ordinaryong tao para makabili lang ng kotse, hindi naman tama na alisin ang karapatan nilang gamitin ang kanilang sasakyan nang naaayon sa kanilang gusto. Masama na nga kung tutuusin ang isang araw na ’di mo magamit ang iyong sasakyan, dadagdagan pa? Sa car pooling, hindi lang paggamit ng sarili mong sasakyan ang ipinagkait ng gobyerno kundi pati paggamit sa kalsada na ang pagmantina ay nanggaga-ling sa mga buwis na bi-nabayaran ng publiko, kasama na ang mga em-pleyado.                   
    
Sana makaisip naman ang MMDA ng pamamaraan na hindi makakaperwisyo sa mga motorista na kung tutuusin ay na-perwisyo na nga sa kasalukuyang number coding na ipinatutupad nila. Subukan sana nilang ilagay ang sarili nila sa puwesto ng mga ordinaryong motorista at kung ano ang mararamdaman nila kapag nagkaroon ng mga mapang-limitang regulasyon na halos kulang na lang ay ipagbawal na nila ang paggamit mo ng sarili mong sasakyan! 
    
Nakapagtataka lang din kung bakit ’di pag-tuunan ng todong pansin ang mga bus at jeep na nagi-illegal terminal o nagbababa at sakay ng pasahero saan mang dako ng EDSA? Bakit hindi nae-entertain ang pagpapatupad ng P2P o point-to-point na biyahe ng mga bus para ’di sila naghahambalang sa EDSA na kung minsan double terminal parking na ang ginagawa? Bakit hindi subukang ibawal ang mga bus sa EDSA?
    
Ayoko man isipin, pero parang gusto ko nang maghinala na ‘may kumikita’ sa mga bus at dyip na ito at alam naman natin na ang salapi, dalawang bagay ang nagagawa sa tao niyan. Nakakabobo o nakakatalino. Hmp!
           
* * *

Beauty tip -- Wrinkles at the side of eyes are called ‘Crow’s feet’. If you have them, they can be removed through botulinum toxin treatment or “botox” and exfoliation and hydration of the wrinkled area, best performed by dermatologist and cosmetic surgeons. (Source: Dr. Rosary May Canay-Diaz of Californian Bloom Aesthetic Institute and Medical Spa/4108424/4669596/09178038240/ 025053987)
            
* * *

Jokjok (from  Paolo Ybanez of Balic-Balic, Sampaloc, Manila) -- Teacher: Pedro, kung ako’y may limang anak sa unang asawa, sampung anak sa pangalawang asawa at tatlong anak naman sa pangatlong asawa, meron akong…?/Pedro: Kalandian, mam!!! Isa kang kerengkeng, halipa-rot, pokpok!!
            
* * *     

Direct Hit entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. or text 0927-7169778.