Anak nina Vic at Pauleen, center of attraction

November 09, 2018
LAST November 6 (Tuesday) ang first birthday ng unang baby ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto na si Talitha Maria Luna Sotto pero isang intimate get-together lamang ang naganap na dinaluhan ng iba pang anak and their respective partners ng TV singer-composer and TV host-comedian and producer na si Vic Sotto. Pero ang big party ni Tali (palayaw ng bata) ay magaganap ngayong Sunday, November 11. Malamang na ito’y maging joint birthday celebration ng mag-inang Pauleen at Tali dahil 30th birthday naman ni Pauleen on Saturday, November 10.